Holy Week 2010 pictures in San Jose del Monte, Bulacan
Unfortunately since our family resides far from Bulacan, I was only able to document Good Friday, Black Saturday and Easter activities of San Jose del Monte, Poblacion...and of course our family's tradition.
Mga Prusisyon ng Mahal na Araw
Mga Imaheng kasama sa Prusisyon
1. San Pedro
2. Panalangin sa Halamanan
3. Kristong Gapos
4. Pasensya
5. Pagbuhat ng Krus (Mahal na Poong Nazareno)
6. Nuestra Senora de Angustia
Bagong Imahen
7. Santo Entierro
8. Santa Veronica
9. Santa Maria Salome
10. Santa Maria Magdalena
11. San Juan
12. Mater Dolorosa
Santo Entierro ng Parokya ni San Jose
Sa kalagitnaan ng homilya ng pari biglang bumagsak ang Paschal Candle...
Angel Shane
Everyone!!! God Bless.
Na-LSS ako sa awiting "May Bukas Pa" na tinugtog ng Musiko sa prusisyon (at pagtatapos nito)...
Santo Entierro, San Jose Del Monte, Bulacan
"May Bukas Pa"
Huwag damdamin ang kasawian
May bukas pa sa iyong buhay
Sisikat din ang iyong araw
Ang landas mo ay mag-iilaw
Sa daigdig ang buhay ay ganyan
Mayroong ligaya at lumbay
Maghintay at may nakalaang bukas
May bukas pa sa iyong buhay
Tutulungan ka ng Diyos na may lalang
Ang iyong pagdaramdam
Idalangin mo sa Maykapal
Na sa puso mo ay mawala nang lubusan
Sa daigdig ang buhay ay ganyan
Mayroong ligaya at lumbay
Maghintay at may nakalaang bukas
May bukas pa sa iyong buhay
Tutulungan ka ng Diyos na may lalang
Ang iyong pagdaramdam
Idalangin mo sa Maykapal
Na sa puso mo ay mawala nang lubusan
Ang iyong pagdaramdam
Idalangin mo sa Maykapal
Na sa puso mo ay mawala nang lubusan
Monday uli...nasa Holy Week mode pa. Iniisa-isa ang mga nagdaang araw. Kung puede lang i-freeze ang panahon...hehehe...
Traveling...mula bahay hanggang Bulacan
Sobrang naging busy this Holy Week...dami pang ginagawa at pilit tinatapos (cramming), dumaan lamang ang mga araw at oras...next year naisip ko dapat mas laid back para mas nananamnam ang mga oras...that includes better planning for next year.
Kuha pagkatapos humalik sa krusipiho. Sa may bandang labas ako nakapuwesto malapit sa mga santo.
Pangalawang LSS...
"Paanyaya (sa tono ng Pasyon)"
Sa kahoy ng krus na banal
ni Jesus na Poong mahal
nalupig ang kamatayan
at sa muling pagkabuhay
ang pag-asa ay sumilay
Purihin at ipagdangal
ang ating Poong Maykapal:
Ama na Bukal ng buhay
Anak na S'ya nating daan,
Espiritung ating tanglaw.
ni Jesus na Poong mahal
nalupig ang kamatayan
at sa muling pagkabuhay
ang pag-asa ay sumilay
Purihin at ipagdangal
ang ating Poong Maykapal:
Ama na Bukal ng buhay
Anak na S'ya nating daan,
Espiritung ating tanglaw.
Calandra ng Parokya ni San Jose
Ngayon ko lang napansin na may tradisyon pala na sinusundo ng banda ang Santo Entierro...
Banal na Siga
Simula ng pagdiriwang ng Muling Pagkabuhay...
Naghihintay sa simula ng prusisyon...
Kasama ng aking mga pinsan...violet ang aming motif
Line-up-unang bahagi, Mga tagpo sa huling 12 oras ni Kristo simula Agony hanggang Entierro. Kasama rito ang imahen ng Angustia.
Sana tuloy-tuloy na madagdagan pa ang aming line-up ng mga tagpo...para makumpleto ang Misteryo ng Hapis...kulang na lang namin ay Scourging at Crucifixion...magkaroon lang nito, kuntento na ako. Baka naman may gustong magsali sa amin? Sabi ko sa organizer tutulong pa ako maghanap...siya rin daw may kakilalang maraming santo makikiusap din syang magsali ito...ang gusto ng organizer na madagdag ay Pieta...(hmmm another Marian image...)
Kung hahaba ang prusisyon sana humaba rin ang ruta ng kaunti...ngayon ata parang 1 hour lang tapos na.
Testing the lights bago ang prusisyon ng Salubong. Ang ganda ng buwan pero hindi na ito full moon...(kita sya maliit nga lang)
Kristing Gapos Year 2
Mukha ng Kristong Gapos o Cautivo...
Sa itaas ng Karo...nagmamasid
Pag-aayos ng Karo...paunti-unti mabubuo rin iyan...
Palabas ng Bahay. 4:30 pm na...5:00 ang simula ng prusisyon
Sa prusisyon...
Daming tali...
Kristong Gapos sa prusisyon ng Viernes Santo
Pagbabasbas. Sa susunod na taon uli...
Panalangin para sa mga Kulang pa...
Natapos na rin ako sa pag-eedit ng aking mga video files...sharing with everyone the condensed version.
Good Friday procession, paglabas ng mga imahe sa simbahan ng San Jose Del Monte Poblacion
Easter Sunday, paglabas ng mga imahe sa simbahan, pagkikita ng Alegria at Muling Pagkabuhay sa Galilea at Salubong.
Ito ang advantage ng "basic kit" lang ang meron...kayang pagkasyahin sa loob ng 1 minuto ang lahat ng santo. Meron din akong mga kuha sa Marikina pero iyon umabot ng 40 mins sa OLA, mga 15 mins Calumpang...
Anyhoo...re-posting the response I gave to Alvin in the Mapandan, Pangasinan thread regarding our line-up.
"Athough mas marami nang kaunti ang mga imahen sa amin sa San Jose...ofcourse pangarap ko na madagdagan pa ito...at hindi naman ako naghahangad ng mala-baliuag na tipo...gusto ko lang masarado ang line-up...eg sa hanay ng mga babae madagdag lang si Cleofe/Jacobe para makumpleto ang Tres Marias; Tapos magkaroon ng San Juan tuwing Salubong since the family originally na naglalabas ng San Juan (it seems) already decided na Good Friday lang sila maglalabas. Sa Kristo naman...kahit wala kaming mga tableau makumpleto lang ang five sorrowful mysteries ok na rin ako...scourging at crucifixion... "
Angustia. Mukhang nauuso na ang pagkakaroon ng higit sa 1 imahen ng mahal na birhen sa mga prusisyon ng mahal na araw...
Mga Imahen ng Mahal na Birhen
Angustia, primera salida
Dolorosa at Alegria
Kristong Gapos
Tapos na ang Karo...prusisyon na!
Mula bahay patungong simbahan
Kristong Gapos Prusisyon Pics
Ang Matandang Dolorosa
Wala ng may alam kung gaano na ito katanda at kung sino ang umukit sa imahen...basta't kasama ito sa mga unang imahen na pang Semana Santa ng San Jose Del Monte Poblacion
Sa susunod na taon uli
Mga kuha bago itabi ang imahen para sa susunod na taon.
Photoshoot
Kasama ang aking Lola
Ang pinakapaborito kong imahen sa line-up sa aming Parokya sa San Jose Del Monte, Bulacan
Sta. Salome
May 1, Kapistahan ni San Jose, San Jose Del Monte, Bulacan
No comments:
Post a Comment