San Jose Del Monte, Bulacan is almost an hour's drive away from Manila. It's a small town but nonetheless rich in the holy week tradition. We only have two processions, one during Good Friday and the last one would be during Easter, the Salubong.
Good Friday Line Up
Nang ipinahayag ni Pedro ang pananalig niya kay Hesus bilang “Kristo ang Anak ng Diyos na buhay,” sinabi sa kanya ni Hesus, “Ikaw ay Pedro, at sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang aking Iglesya.” Idinagdag pa nito, “Ibibigay ko sa iyo ang mga susi ng kaharian ng langit: ang ipagbawal mo sa lupa ay ipagbabawal sa langit, at ang ipahintulot mo sa lupa ay ipahihintulot sa langit.”
Habang naghihintay si Pedro sa patio ng bahay ng pinakapunong saserdote, may mga taong nakakilala sa kanya na kasama ni Hesus. Ilang ulit niya itong mariing itinanggi at sa ikatlong pagkakataon, tumilaok ang isang tandang. Naalala ni Pedro ang sinabi sa kanya ni Hesus na ikakatwa niya si Hesus ng tatlong beses bago tumilaok ang manok at buong saklap siyang lumayo’t tumangis ng mapagtanto ang kanyang nagawa.
Gaya ng kanyang kinaugalian, umalis sa Hesus at nagtungo sa Bundok ng mga Olibo; at sumama ang mga alagad. Pagdating doo’y sinabi niya sa kanila, “Manalangin kayo, nang hindi kayo madaig ng tukso.” Lumayo siya sa kanila nang may isang pukol ng bato, saka lumuhod at nanalangin. “Ama,” wika niya, “kung maari’y ilayo mo sa akin ang sarong ito. Gayunma’y huwag kalooban ko ang masunod, kundi ang kalooban mo.“ Nagpakita sa kanya ang isang anghel mula sa langit at pinalakas ang loob niya. Tigib ng hapis, siya’y nanalangin nang lalong taimtim; tumulo sa lupa ang kanyang pawis na animo’y malalaking patak ng dugo.
Napagkasundaan na nila na ang taong babatiin ni Hudas ng Halik ay si Hesus. Kaya’t lumapit si Hudas sa kanya at hinalikan siya nito. Pinalibutan si Hesus ng mga sundalo. Nagwika siya sa mga ito, “Bakit kayo may dalang mga patalim at pamalo? Ako ba’y isang mapanganib na kriminal? Bakit hindi ninyo ako dinakip noong ako’y nagtuturo sa templo, araw-araw akong naroon? Subali’t ito ang inyong pagkakataon, ngayong oras kung kailan naghahari ang kadiliman.”
Nang siya ay hulihin na, iniwan siya ng kanyang mga alagad mag-isa.
Naganap na ang sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad na ang Anak ng Tao ay ipagkakanulo sa mga punong saserdote at sa mga eskriba. Hahatulan siya ng kamatayan at ibibigay sa mga Hentil. Dinala siya sa iba’t ibang mga pinuno ng sambayanan: kay Anas, ang dating pinakapunong saserdote at biyenan ni Caifas; kay Caifas, ang pinakapunong saserdote; Kay Poncio Pilato, ang gobernador ng Judea; at kay Herodes Antipas, ang Tetrarka ng Galilea.
Ipinatawag ni Pilato ang mga punong saserdote, ang mga pinuno ng bayan at ang mga tao, at sinabi sa kanila, “Isinakdal ninyo sa akin ang taong ito sa kasalanang panunulsol sa mga tao. Ngayon, siniyasat ko siya sa harapan ninyo, at napatunayan kong walang katotohanan ang mga paratang ninyo sa kaniya. Gayun din si Herodes, kaya si Hesus ay ipinabalik niya sa akin. Hindi siya dapat hatulan ng kamatayan—wala siyang kasalanan. Kaya’t ipahahagupit ko lamang siya saka palalayain.”
Matapos ang pagpapahirap, si Hesus ay dinala ng mga kawal ng gobernador sa pretoryo, at nagkatipon ang buong batalyon sa paligid niya. Hinubaran nila siya at sinuutan ng isang balabal na pulang-pula. Naglikaw sila ng halamang matinik at ipinutong sa kanya, saka pinahawak ng isang tambo sa kanyang kanang kamay. At palibak siyang niluhud-luhuran at binati: “Mabuhay ang Hari ng mga Judio!” Siya’y pinaglulurhan; kinuha nila ang tambo at siya’y pinaghahampas sa ulo. At matapos kutyain, kanilang inalisan siya ng balabal, sinuutan ng sariling damit, at inilabas upang ipako sa krus.
Araw noon ng Paghahanda sa Paskuwa, at mag-iikalabindalawa na ng tanghali. Sinabi ni Pilato sa mga Judio, “Narito ang inyong hari!” Sumigaw sila, “Patayin sya! Patayin! Ipako sa krus!” Ipapapako ko ba sa krus ang inyong hari?” tanong ni Pilato. Sumagot ang mga punong saserdote, “Wala kaming hari kundi si Cesar!” Kaya’t si Hesus ay ibinigay sa kanila ni Pilato upang ipako sa krus.
Sinusundan si Hesus ng maraming tao, kabilang ang mga babaing nananaghoy at nananambitan dahil sa kanya. Nilingon sila ni Hesus at sinabi sa kanila, “Mga kabahaihan ng Herusalem, huwag ninyo akong tangisan. Ang tangisan ninyo’y ang inyong sarili at ang inyong mga anak. Tandaan ninyo: darating ang mga araw na sasabihin nila, “Mapalad ang mga baog, ang mga sinapupunanang hindi nagdalantao, at ang mga dibdib na hindi nagpasuso.” Sa mga araw na yao’y sasabihin ng mga tao sa mga bundok, “Gumuho kayo sa amin!” at sa mga burol “Tabunan ninyo kami” sapagkat kung ganito ang ginagawa sa kahoy na sariwa, ano naman kaya ang gagawin sa tuyo?”
Nakatayo sa tabi ng krus ni Hesus ang kanyang ina at ang kapatid na babae nitong si Maria, na asawa ni Cleopas. Naroon din si Maria Magdalena. Nang makita ni Hesus ang kanyang ina, at ang kanyang minamahal na alagad sa tabi nito, kanyang sinabi, “Ginang, narito ang iyong anak!” at sinabi sa alagad, “Narito ang iyong ina!” mula noon, siya’y pinatira ng alagad na ito sa kanyang bahay.
Pagkatapos nito, alam ni Hesus na naganap na ang lahat ng bagay; at bilang katuparan ng Kasulatan ay sinabi niya, “Nauuhaw ako!” May isang mangkok ng maasim na alak. Itinubog nila rito ang isang espongha, ikinabit sa sanga ng isopo at idiniit sa kanyang bibig. Nang masipsip ni Hesus ang alak ay kanyang sinabi, “Naganap na!” Iniyukayok niya ang kanyang ulo at nalagot ang kanyang hininga.
Kinuha nila ang bangkay ni Hesus, at nilagyan ng pabango habang binabalot sa kayong lino, ayon sa kaugalian ng mga Judio. Sa pinagpakuan kay Hesus ay may halamanan, at dito’y may isang bagong libingang hindi pa nagagamit. Yamang noo’y araw ng Paghahanda ng mga Judio, at dahil sa malapit naman ang libingang ito, doon nila inilibing si Hesus.
Ayon sa matandang tradisyon ng simbahan, mayroong isang babaeng nahabag sa Panginoon nang makita itong nagpapasan ng krus at ang mukha’y puno ng pawis, dugo at alikabok. Kaya’t naglakas-loob itong lumapit sa kanya upang punasan ng dala niyang birang ang mukha ng Panginoon. Bilang gantimpala, nalarawan sa kanyang birang ang naghihirap na mukha ng Panginoon.
Si Salome (salitang Aramaicong kaugnay ng Hebreong Shalom, “Kapayapaan”) ang maybahay ni Zebedeo at ina nina apostol Santiago at Juan. Minsan ay lumapit siya kay Hesus at lumuhod sa harapan nito upang hilingin na ipagkaloob sa dalawa niyang anak ang karapatan na makaupong katabi ni Hesus sa kaharian nito—isa sa kanan at isa sa kaliwa. Isa siya sa mga babaing nasa paanan ng krus.
Si Maria (mula sa Hebreo, Miriam, na maaring nangangahulugang “dagat ng saklap.“ “pag-aalsa” o “hiniling na supling”) ay ipinapalagay na galing sa nayon ng Magdala na nasa silangang baybayin ng Lawa ng Galilea malapit sa Tiberias. Siya ay isa nga mga babaing tagasunod ni Hesus. Sa ebanghelyo ayon kay Lucas, binanggit na si Magdalena ay pinagaling ni Hesus: “mula sa kanya’y pitong demonyo ang pinalayas.” Sa apat na salaysay ng ebanghelyo, kapansin-pansin ang pagpapahalagang ibinigay sa kanya na maaaring ihalintulad sa pagpapahalagang ibinigay kay Pedro. Kung sa pangkat ng mga apostol ay laging unang binabanggit si Pedro, si Magdalena nama’y lagi ring unang binabanggit sa pangkat ng mga babaeng alagad. Sa ebanghelyo ayon kay Juan, si Magdalena ay binaggit kasunod ng Mahal na Birhen at kapatid nito na nasa paanan ng krus.
Batay’s sa salaysay sa mga ebanghelyo, isa si Juan sa mga malapit kay Kristo, kasama nina Pedro at Santiagong Matanda. Silang tatlo ay kasami ni Kristo sa mga sumusunod na pangyayari: pagbabagong-anyo, pagpapagaling sa biyenang babae ni Pedro, pagbuhay sa anak na babae ni Jairo at sa panalangin sa halamanan. Si Juan, kasami ni Pedro ay inatasan ng Panginoon na maghanda para sa Hapunang Pampaskuwa. Siya lamang ang apostol na nasa Kalbaryo noong nakapako si Kristo sa krus, na kung saan ay ihinabilin sa kanya ni Hesus ang Birheng Maria.
Nang dinala sa Templo ng Jerusalem nina Jose at ni Maria ang sanggol na si Hesus upang gawin ang hinihingi ng Kautusan, ang bata ay kinalong ng isang taong matapat at malapit sa Diyos. Nagpuri siya sa Diyos, binasbasan sila at nagwika kay Maria, “Tandaan mo, ang batang ito’y nakatalaga sa ikapagpapahamak o ikaliligtas ng marami sa Israel, isang tanda na mula sa Diyos ngunit hahamakin ng marami kaya mahahayag ang kanilang iniisip. Dahil diyan, ang puso mo’y para na ring tinarakan ng isang balaraw.“ Ang hulang ito ni Simeon ay malinaw na makikitang naging ganap sa salaysay sa ebanghelyo na nagsasabing, “Nakatayo sa tabi ng krus ni Hesus ang kanyang ina.”
For the Good Friday procession we suggested na kailangan may babasahing caption tungkol sa imahen bago o habang inilalabas. Ngunit mkuhang hindi masyadong nagkaintindihan. Nabasa ang caption pagkatapos ng prusisyon na unfortunately hindi masyadong naging effective dahil ang atensyon ng mga tao ay nafocus na sa pakikipag-agawan sa kung ano ang puwedeng makuha sa mga carroza.
By the way, ang mga captions ay kinuha ko sa libro ni Sir Mike, Prusisyon at souvenir program ng Cainta. I just had to tweak it kasi wala naman kaming Holy Wednesday procession and to accomodate the requests of the parish people (wala iyong mga prayers, awit ng pasyon etc).
Gusto kong ilaban na sa pagkakasunod ng prusisyon dapat si Sta. Veronica ay lalabas pagkatapos ng imahen ng Nazareno at hindi pagkatapos ng Sto. Entierro. Ngunit sabi ng pastoral head ito raw ang guideline na ipinalabas ng Malolos.
Sa aking palagay mas maganda na ang prusisyon ay chronological ang order versus traditional (nakagawian na, ginaya sa totoong hanay ng libing sa Espanya o maging sa Pilipinas). Ang istorya ni Sta. Veronica ay mahirap ma-appreciate ng hindi karugtong ng imahe ni Jesus na nagbubuhat ng Krus.
Arranging the carroza based on the line-up para dire-diretso ang labas ng prusisyon.
Salubong
The procession passing through our home...hmmm more like garage. Wala na kasi yung bahay nasira nung gyera kaya bahay na lang ng karo ang natira.
Image of the Virgin approaching the Galilea
=========================================================
=========================================================
Ang Buhay na Kristo. Sana mas malaking Kristo ang ginagamit para lang proportionate ang Birhen at si Kristo. Pero may paliwanag naman daw, para maemphasize ang mother-son relationship kaya mas malaki ang imahe ni Mama Mary...but still...
Salubong
Favorite Line ko tuwing Salubong: Halina't pakinggan natin ang awit ng anghel...something like that...
Parish Priest, Fr. Narcing
Holy Week in San Jose won't be complete (well atleast for me) if I don't have goto and suman after the easter mass.
Here's San Jose's violet suman
Hello. Joel here, 0 9 3 9 8 8 0 0 5 3 2. I'm from Tungko..... got Sta. Ma. Salome, Sta. Ma. Photina La Samaritana, San Bartolome Apostol, San Jose de Arimathea, Stabat Mater, San Andres Apostol, Mary The Tower of Ivory here.... comming up is Sta. Claudia Procula, Sta. Maria kapatid ni Maria, Madonna del Pianto, Sta. Maria Susana, San Dimas at Nuestra Señora del Alegria Encuentro.... I'm having a hard time on buying dress patches and beautiful wigs.... may idea ka san dito malapit satin at affordable pa?
ReplyDeleteHi Joel, sa Divisoria lang ang alam ko. Sa wigs marami sa Bulacan, look for Bella Francisco sa facebook.
ReplyDeleteSaan ka naglalabas? Lahat ito sa iyo...baka gusto mo namang maglabas o magpahiram sa San Jose Del Monte, Poblacion...ang dami pang kulang dito. = )
E mukhang ako lang ang mahilig sa santo sa amin...hahaha...
Ako rin dito samin ako lang mahilig.... sabi nga ng mga pinsan ko myembro na raw ako ng mga culto. Sa Malabon ako naglalabas now... dun kasi ako laki... sa Pecson lang bahay ko... text me kung trip mo dumalalw minsan... maganda after Holy week para nakabalik na mga Santo...
ReplyDelete09398800532
ReplyDeleteNgayon ko lang nabasa comments mo uli. Ngayon ko lang din nadiscover iyong comments page ng BlogSpot. Txt txt. Maraming Salamat!
ReplyDeleteThis comment has been removed by the author.
ReplyDeleteHi Santiago, I belong to the Avellanosa-Maiquez Clan who owns the Mater Dolorosa, Sta. Maria Cleofe, Sta. Martha and Kristong Gapos. Yup nagaayos ako ng karo somehow made it a hobby of mine ☺
ReplyDeleteI visited your Family's house last Holy Week regarding the program changes and was given a tour of the entierro's glass case. It was a privilege to see your image up close which is apparently something rare even for those living in Poblacion. I am a fan of your family's gothic Calandra its a work of art. Hope to see next time I am in Poblacion.